Si Katrina Ponce Enrile ay pinanganak noong April 17, 1960 kina dating Senate President Juan Ponce Enrile at Cristina C. Ponce Enrile. Meron siyang apat na anak, sina Kara Nicole, Juan Rodrigo, Kristen Noelle, Cristiana Aleyna. Nagtapos siya ng AB Political Science sa UP Diliman at nag-aral ng law sa Ateneo de Manila.
Bilang isang single parent, pinalaki niya ang kanyang mga anak na puno ng pagmamahal, hindi sunod sa luho, may takot sa Diyos at may malasakit sa kapwa lalo na sa mga kapus-palad. Bilang kaibigan, lagi siyang nakaalalay at handang tumulong sa ‘yo. Kapag may lumapit sa kanya, halimbawa at humiling na ipagdasal niya, gagawin niya yon agad-agad sa harap mismo ng taong humiling sa kanya.
Bata pa lang, minulat na sa kanya ng kanyang ama ang kahalagahan ng edukasyon at sipag sa trabaho. Sa edad na 16 nagsimula na siyang magtrabaho sa SGV – taga-dikit ng postage stamps sa mga envelope at taga-deliver ng mga sulat sa mga kliyente. Nagtayo rin siya ng sarili niyang mga negosyo bago siya tawagin ng kanyang ama para magtrabaho sa kanilang kumpanya.
Sa JAKA Group of Companies, nagsimula siya bilang group treasurer noong 1984 pero mula pa noong 1997 ay siya na ang namumuno at nagpapatakbo sa buong kumpanya hanggang sa pormal na mahirang siya bilang President and CEO noong 2004.
Nakilala siya bilang isang magaling na corporate lider. Isang problem solver na subok sa krisis mula noon hanggang ngayon. Ang mga executive at empleyado ng JAKA mahal na mahal siya dahil ramdam nila lagi ang malasakit niya sa kanila. Sa pamumuno niya, nanatili ang JAKA bilang isa sa pinakamalalaki at pinakamatagumpay na korporasyon sa Pilipinas. Isa sa tinuturing niya pinakamalaking achievement niya ay ang pagtatag niya at pagpapalago ng ngayon ay sikat na sikat nang Delimondo food brand.
Inspirasyon at patuloy niyang pinagkukunan ng lakas ang kanyang ama. Lahat ng mga natutunan niya kay JPE, yon ang mga sinisikap niyang ibahagi at gamitin para makatulong sa mga tao. Marami ang hindi nakakaalam, nakatutok man sa negosyo at hindi kailanman naging pulitiko, lagi siyang nagpaparating ng tulong galing sa sarili niyang ipon at bulsa sa mga taga-Cagayan, lalo na kapag may mga kalamidad.
Naging ugali na rin niyang kumustahin ang kalagayan ng kanyang mga ka-probinsya sa Cagayan. Inaalam niya lagi ang mga problema nila. Pinakikingggan niya ang mga dinadaing nila. At tinitingnan niya lagi kung ano ang mga solusyong maibibigay o magagawa niya.