slide1
slide2
slide3
Mga Problemang Sisikaping Mabigyan ng Solusyon
ni KPE para sa Cagayano
Problema: Ang mga magsasaka at mga mangingisda, binabarat ng mga bumibili ng ani o huli nila.
Solusyon NI KPE: Gumawa ng batas para maprotektahan at maging patas lagi ang presyo ng mga ibebentang ani at huli ang mga magsasaka at mangingisda.
Read More
Problema: May mga sitio at barangay na walang kuryente.
Solusyon NI KPE: Maglaan ng pondo at makipag-ugnayan sa angkop na sangay ng gobyerno para magkaroon na ng elektrisidad ang lahat ng barangay sa District 1.
Read More
Problema: May mga barangay na laging binababaha.
Solusyon NI KPE: Maglaan ng pondo para sa flood control projects tulad ng pagpapatayo ng mga dike at pagpapataas ng mga kalsada.
Read More
Problema: Kulang ang mga malalawak na kalsada para lumago ang kalakalan.
Solusyon NI KPE: Maglaan ng pondo para makapagpagawa ng mga access roads at highways para ang mga Cagayano malaya at mas mabilis na makakarating sa ibang probinsya para magnegosyo o makipagkalakalan.
Read More
Problema: Kakulangan sa teachers at classrooms
Solusyon NI KPE: Bigyan ng dagdag sweldo at regular trainings ang mga teacher para tumaas ang kalidad ng pagtuturo. Maglaan ng pondo para makapagpatayo ng mga classrooms at ayusin ang mga pasilidad ng mga public elementary at high schools ng Disctict 1.
Read More
Problema: Kakulangan sa mga health facilities.
Solusyon NI KPE: I-upgrade ang mga facilities at dagdagan ang sweldo at allowance ng mga doctors at nurses sa provincial at government hospitals. Gamitin ng tama ang pondo para makapagpatayo ng mga health centers at maternity clinics sa bawat barangay sa district 1 na kumpleto sa kagamitan at laging may naka-duty na mga nurse at doctor.
Read More
Problema: Nasasayang ang mga magagandang tourist destinations dito sa Cagayan.
Solusyon NI KPE: Maglaan ng kaukulang pondo para ma-promote sa mga local at international tourists ang Cagayan. Palaguin ang turismo para maraming magka-trabaho.
Read More
Problema: Walang Libreng Internet, hindi makapag-research ang mga istudyante.
Solusyon NI KPE: Maglalagay ng mga libreng public wifi hotspots sa mga barangay para tulong sa pagaaral ng mga istudyante.
Read More
Problema: May mga sitio at barangay walang tubig.
Solusyon NI KPE: Maglaan ng pondo para ma-improve at makapagpatayo ng mga water distribution facilities para laging may malinis na tubig na dadaloy sa bawat bahay sa District 1.
Read More
Problema: Hindi na-maximize ang potential ng CEZA para makatulong sa mga Cagayano.
Solusyon NI KPE: Maglaan ng pondo para ma-improve ang mga pasilidad ng CEZA para mahikayat ang mga local at foreign businesses na mag-set-up ng kanilang negosyo sa CEZA para maraming Cagayano ang magkaroon ng disente at permanenteng trabaho.
Read More
Problema: May mga deserving students na hindi nakakatanggap ng UNIFAST scholarships at delay sa allowance at iba pang benefits ng mga UNIFAST scholars.
Solusyon NI KPE: Palawakin ang sakop ng UNIFAST program sa buong Cagayan at tiyaking makukuha ng mga scholars ang mga allowance at benepisyo na nakalaan talaga para sa kanila.
Read More
Problema: Malayo at magastos na biyahe papuntang pamilihan at kakulangan sa suporta sa mga magsasaka.
Solusyon NI KPE: Magpagawa ng mga bagong kalsada para mas mapabilis at lumiit ang gastos ng mga magsasaka papunta sa pamilihan. Bigyan ng libre o subsidized na mga binhi at abono ang mga magsasaka.
Read More
Social Media

Leave a Reply

Your email address will not be published.